Ang Banahaw ay isang natutulog na bulkan na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon partikular sa Tayabas, Lucban,Sariaya at Dolores.
Naging tanyag dahilan sa mga mistikong lugar, ang Banahaw ay tinatawag ding " ang Jerusalem ng Pilipinas".
Subalit bukod sa mga katawagang ito, ang Banahaw ay isang kanlungan o "sanctuary". Sa bundok na ito matatagpuan ang iba't - ibang espisi ng mga hayop at halaman. Gayundin ang bundok ng Banahaw ay ginawang kanlungan ng mga taong naging "kalaban" ng pamahalaan.
Maaalaalang ang unang rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila, ang kaunaunahang bayani ng lupang Tagalog na si Apolinario de la Cruz o mas kilala sa tawag na Hermano Puli ay nagtayo ng kuta, malapit sa ilog ng Tomloy ng Brgy. Alitao, Tayabas, kung saan ay ipinagtanggol niya ang kanyang sarili at ang Tayabas sa kuko ng mga prayle.
Sa kasalukuyang panahon, ang Banahaw ay patuloy pa ring nagkakanlong ng mga nais makadama ng kapayapaan sa kanyang dibdib. Patuloy ding itong nagkakanlong ng mga taong may kasalungat na ideolohiya ng pamahalaan. Makailang ulit na bang ang Banahaw ay naging kanlungan ng mga rebeldeng NPA?
Ang Banahaw sa pagpapatuloy ng panahon ay laging nandiyan upang maging kanlungan ng kahit na sinong naghahanap ng kapayapaan ng kanyang sarili at isipan, ng mga taong nais makaranas ng kapayapaan kahit panandalian, ng mga hayop at halamang tanging ang Banahaw lamang ang makapagbibigay buhay.
Ito ang Banahaw, ito ang kanlungan ng mga Tayabasin, ito ang kanlungan ng mga Pilipino, ito ang kanlungan ko.
The Long View: Moderate your greed
1 week ago
No comments:
Post a Comment