Matagal tagal na rin mula ng maisakatuparan ang pagiging siyudad ng Tayabas, halos mahigit isang taon na, kung kaya't ang mga mamamayan dito ay nagtatanong. Ano nga ba ang benipisyo ng pagiging lungsod? Kung mahusay ang maging lungsod, bakit hindi maramdaman ng karaniwang mamamayan ang kalidad ng serbisyong kaakibat ng pagiging siyudad ng isang bayan.
Ayon sa karamihan ang tangi nilang nalalaman na naging epekto ng ang Tayabas ay maging siyudad ay ang pagtaas ng mga buwis o amilyar ng kanilang mga ariarian, gayundin ang biglang pagtaas ng halaga na sisinisingil sa pag- aaply ng kaukulang bussiness permit para sa kanilang negosyo.
Nasaan na kaya ang ipinangangalandakan na kaunlaran ng mga pasimuno ng hakbanging ito noong nangangampanya sila para isulong ang pagiging lungsod ng Tayabas?
Nasaan na rin kaya ang mga nagsulong nito?
Mga onorabol, magparamdam kayo!
comments are welcome:http://.noelmabuting.blogspot.com
No comments:
Post a Comment